23.8 C
Cagayan de Oro
Wednesday, February 28, 2024
spot_img
HomeFront PageBreaking News4 katao arestado sa illegal na droga at mga baril

4 katao arestado sa illegal na droga at mga baril

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Kalaboso ang apat katao na mga drug suspects matapos na madakip ng pinagsanib pwersa ng pulisya at militar sa Sitio Bunawan, Brgy Polonuling, Tupi, South Cotabato, madaling araw nitong ika-17 ng Setyembre, 2023.

Ayon kay Brigadier General Andre Santos, 1st Mechanized Brigade Commander, bitbit ang warrant of arrest, sinalakay ng pinagsamang pwersa ng mga law enforcers at kasundaluhan ang pinagtataguan ni alyas Rex Soliman, kilala rin sa tawag na alias Latif, ang umano’y kilalang lider ng armed lawless group at tagasuporta ng Dawlah Islamiyah-Maguid Group.

Bagamat nakatakas ang suspek na subject ng warrant na si Solaiman, naaresto naman ang apat na mga sinasabing kasamahan ni Solaiman na kinilala bilang Angelo Abul, Melvin Ditan, John Ditan, at Gabriel Palucan, na pawang mga residente ng Brgy Polonuling, Tupi, South Cotabato. Nakuhanan ng illegal na droga ang mga nasabat.

Nakuha din sa pag-iingat nila ang isang (1) unit ng improvised cal .45 home-made rifle Thompson, isang (1) piraso ng magazine para sa cal.45 home-made Thompson na may mga bala, isang (1) unit ng cal. 38 revolver pistol na may mga bala, isang (1) piraso ng granada, mga droga, at mga kasangkapan nito.

Pinasalamatan naman ni Major General Alex Rillera, ang Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division ang mabilis na pagresponde ng mga kasundaluhan, kapulisan, at ng lokal na pamahalaan ng South Cotabato.

“Ang operasyong ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsusumikap ng mga ahensiyang tagapagpatupad ng batas na labanan ang mga aktibidad kaugnay ng droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon” ika ni Maj. Gen. Rillera.

####

RELATED ARTICLES
Advertismentspot_img

Most Popular

Recent Comments