29.5 C
Cagayan de Oro
Saturday, April 13, 2024
spot_img
HomeFront PageBreaking NewsPurok 5 Kaya-Kaya Detachment, opisyal nang pinasinayaan sa isang turn-over ceremony

Purok 5 Kaya-Kaya Detachment, opisyal nang pinasinayaan sa isang turn-over ceremony

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Opisyal ng pinasinayaan ang Purok 5 Kaya-Kaya Detachment sa isang turn-over ceremony na ginanap nitong Pebrero 20, 2024 sa Purok 5, Barangay Kaya-Kaya, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur.

Bilang pagsisimula ng seremonya, nagkaroon ng ribbon-cutting ang pasilidad kung saan pinangunahan ito ng Guest of Honor and Speaker na si Hon. Bai Mariam Mangudadatu, Maguindanao del Sur Provincial Governor; kasama ang Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central Major General Alex Rillera.

Dinaluhan din nina Brigadier General Oriel Pangcog, Commander ng 601st Infantry Brigade; Jun Solaiman, 4th Brigade Commander, 106BC MILF-BIAF; Hon. Edris Sangki, ABC President, DAS Municipality; at iba pang mga sundalo, lokal na opisyal, at mga lider ng komunidad ang nasabing seremonya.

Pinangunahan naman ng Datu Abdullah Sangki Municipal Mayor na si Hon. Suharto Al Wali Mangudadatu ang turn-over ng pasilidad ng Kaya-Kaya Detachment kung saan malugod naman itong tinanggap ni Lieutenant Colonel Udgie Villan, Commanding Officer ng 33rd Infantry Battalion.

Binigyang diin ni Hon. Bai Mariam Mangudadatu ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga proyektong tulad nito sa pagpapaunlad ng komunidad. Sa kanyang mensahe, hiniling ng gubernadora na magkaroon pa ng maraming AFP detachments kung kinakailangan hindi lang sa Datu Abdullah Sangki kundi pati na rin sa buong Maguindanao del Sur upang mapanatili ang kapayapaan para sa patuloy na pag-unlad at walang humpay na daloy ng serbisyo na tinatamasa ng mga mamamayan sa kanyang nasasakupan.

Ipinahayag naman ni Maj. Gen. Alex Rillera ang suporta at pangako ng 6ID at JTFC na panatilihin ang kaginhawaan at kapayapaan sa Purok 5. “Makakaasa kayong kaisa ninyo ang buong Team Kampilan sa mga adhikaing ikauunlad ng pamayanan, at ikabubuti ng pamumuhay ng ating mga kababayan”, dagdag pa ni Maj. Gen. Rillera sa kanyang mensahe.

Ang Kaya-Kaya Detachment ay nagpapakita ng kooperasyon sa pagitan ng Civil Authority ng Maguindanao del Sur at ng 6th Infantry (Kampilan) Division, Philippine Army, kasama ang mga katuwang na stakeholders (Lokal na Pamahalaan ng Maguindanao del Sur, Datu Abdullah Sangki Local Government Unit (LGU), Kaya-Kaya Barangay LGU, 6ID, 601st Infantry Brigade at 33rd Infantry Battalion).

Ang turn-over ceremony at inagurasyon ng Purok 5 Kaya-Kaya Detachment ay nagdulot ng positibong reaksyon sa mga residente, na nagbigay-diin sa makabuluhang papel ng Purok 5 Kaya-Kaya Detachment sa pagpapabuti ng kalagayan at seguridad ng komunidad.

####

RELATED ARTICLES
Advertismentspot_img

Most Popular

Recent Comments