Agrarian Reform Secretary Conrado M. Estrella III has appealed to all not to pit President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. and President Rodrigo Roa Duterte on matters involving agrarian reform, following issues on the Ati tribe members in Boracay.
“I just want to make it clear that the past and the present Presidents have done a lot for the agrarian reform beneficiaries (ARBs),” he said.
Estrella stressed that PRRD signed and issued Executive Order No. 75, series of 2019, to cover unused government-owned lands (GOLs), which directed all government agencies to turn over to the DAR all government-owned farmlands and place them under the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) coverage for distribution to landless farmers.
Estrella also said that during the PRRD administration, the Department of Agrarian Reform (DAR) implemented the Support for Parcelization of Lands for Individual Titling (Project SPLIT) funded by the World Bank. Project SPLIT involves the subdivision of collective certificates of land ownership award (CCLOAs) into individual land titles.
On the other hand, Estrella emphasized that the administration of President Marcos provided more funds to the DAR for it to provide support services to the ARBs. The present administration also signed the New Agrarian Emancipation Act of 2023 or RA 11953, which condoned the unpaid amortization, interest, surcharge, and penalties of existing loans of farmers.
President Marcos has been attending several CLOA distributions to personally hand into the ARBS their long overdue land titles with marching orders to DAR to finish the remaining parcelization by the end of his term.
During the most recent CLOA distribution in Bago City, Marcos turned over a total of P69.17 million worth of support services to 19 ARB organizations (ARBOs) in Negros Occidental.
###
Parehong malaki ang nagawa ni PRRD at PBBM para sa mga benepisyaryo ng repormang agraryo – Estrella
Umapela si Agrarian Reform Secretary Conrado M. Estrella III sa lahat na huwag pag-awayin sina Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. at Pangulong Rodrigo Roa Duterte patungkol sa mga usapin na may kinalaman sa repormang agraryo, kasunod ng mga isyu sa mga miyembro ng tribong Ati sa Boracay.
“Gusto ko lang linawin na ang mga nakaraan at kasalukuyang Pangulo ay malaki ang nagawa para sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs),” aniya.
Binigyang-diin ni Estrella na niagdaan at inilabas ni PRRD ang Executive Order No. 75, serye of 2019, para sakupin ang mga hindi na nagagamit na mga government-owned lands (GOLs), na nag-uutos sa lahat ng ahensya ng gobyerno na ipagkaloob sa DAR ang lahat ng mga bukirin na pag-aari ng gobyerno at ilagay ang mga ito sa saklaw ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) para ipamahagi. sa mga magsasaka na walang lupa.
Sinabi rin ni Estrella na noong administrasyong PRRD, ipinatupad ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang Support for Parcelization of Lands for Individual Titling (Project SPLIT) na pinondohan ng World Bank. Ang Project SPLIT ay kinabibilangan ng paghahati-hati ng collective certificates of land ownership award (CCLOAs) upang maipamahagi bilang mga indibidwal na titulo ng lupa.
Sa kabilang banda, binigyang-diin ni Estrella na ang administrasyon ni Pangulong Marcos ay nagbigay ng karagdagang pondo sa DAR para ito ay makapagbigay ng mga suportang pang-serbisyo sa mga ARB. Nilagdaan din ng kasalukuyang administrasyon ang New Agrarian Emancipation Act of 2023 o RA 11953, na nagbubura sa mga hindi nabayarang amortisasyon, interes, surcharge, at mga multa na umiiral na mga pautang ng mga magsasaka.
Si Pangulong Marcos ay dumadalo sa ilang distribusyon ng CLOA upang personal na ibigay sa ARBs ang kanilang matagal nang nakatakdang mga titulo ng lupa na may mga utos sa DAR na tapusin ang natitirang parselisasyon sa pagtatapos ng kanyang termino.
Sa pinakahuling pamamahagi ng CLOA sa Bago City, nagkaloob si Marcos ng may kabuuang P69.17 milyong halaga ng mga suportang pang-serbisyo sa 19 ARB organizations (ARBOs) sa Negros Occidental.