25.5 C
Cagayan de Oro
Friday, September 13, 2024
spot_img
HomeFront PageBreaking NewsPolitical Instructor ng Komunistang Terorista, nagbalik-loob sa Gensan

Political Instructor ng Komunistang Terorista, nagbalik-loob sa Gensan

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Matapos ang mga serye ng negosasyon sa ilalim ng Localized Engagement Program ng Pamahalaang Lokal ng South Cotabato, tuluyang tinalikuran ng isang political instructor ng komunistang terorista ang Communist Terrorist Group o CTG.

Si alyas Akai na minsan ay nagpapakilalang alyas Berlyn ay nagbalik-loob sa Task Force Gensan nitong ika-6 ng Hunyo, 2023.

Ayon kay Col. Ruben Aquino, ang Commander ng Task Force Gensan, maliban sa pagiging political instructor, si alyas Akai ay isa ding intelligence officer at media liaison officer ng Guerilla Front Musa, sa ilalim ng humihinang command ng Far South Mindanao Region ng CTG. Isinuko din nito ang kanyang gamit pandigma habang nasa loob pa ng teroristang kilusan.”

Sinabi naman ni Col. Andre Santos, Commander ng 1st Mechanized Brigade, ika-24 ng Abril ng taong kasalukuyan nang huling namataan si alyas Akai sa bahay nito sa Purok 4, Block 3, Fatima, General Santos City.

“Nagkaroon tayo ng serye ng mga negosasyon sa tulong ng Task Force Gensan na naging daan ng pagpasya ni Alias Akai na talikuran na ang armadong pakikibaka. Noong ika-18 ng Mayo, 2023 ng una siyang nakipagkita sa ating mga emisaryo hanggang sa napagdesisyunan nitong magbalik-loob na sa ating pamahalaan”, wika ni Col. Santos.

Iniharap naman kay Hon. Lorelie Pacquiao, ang Mayor ng Gensan si Alias Akai at agad itong nabigyan ng paunang tulong pinansyal. Bukod pa ito sa matatanggap niyang benepisyo mula sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Tiniyak naman ni Major General Alex S. Rillera, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central, na mabibigyan ng maayos na pagtrato ang lahat ng mga magbalik-loob mula sa pagiging mga biktima ng maling ideolohiya at panlilinlang ng CTG. Tinawag pa ng Division Commander na welcome development ang pagsuko ni Alias Akai para sa isinusulong na pambansang pagkakaisa sa ngalan ng kapayapaan.

“Nandito ang ating gobyerno para kayo ay mabigyan ng mga benepisyo mula sa E-CLIP gaya ng livelihood at financial assistance na tulong para sa inyong pagsisimula ng pagbabagong buhay. Ito ay isang patunay na seryoso ang administrasyon ni Pangulong Marcos sa mga programang pangkapayapaan at layuning palayain ang mga ito mula sa kanilang pagiging biktima ng maling ideolohiya at sirkumstansiya at higit sa lahat, itaguyod ang pambansang pagkakaisa”, wika pa ni Maj. Gen. Rillera.

Sa ngayon, nasa 36 na mga komunistang terorista na ang na nabawas ng iba’t-ibang yunit ng Joint Task Force Central mula unang buwan ng taong kasalukuyan. Sa nasabing bilang, 5 ang naaresto, 10 ang nasawi sa mga engkwentro habang 21 ang sumuko. Patuloy ang kampanya ng Joint Task Force Central upang tuluyang makamit ang ganap na tagumpay o “total victory” laban sa lahat ng uri ng grupong terorista sa Central at South Central Mindanao.

####

RELATED ARTICLES
Advertismentspot_img

Most Popular

Recent Comments