Ipagdiwang ang Masskara Festival sa Bacolod kasama ang GCash!

0
108
Naghihintay ang iba't ibang special promos at freebies mula sa GCash at partner merchants para sa mga turista at residente sa MassKara Festival 2026.

BACOLOD CITY— Sa pakikipagtulungan ng GCash sa lokal na gobyerno ng lungsod, may exclusive deals, promos, at freebies na naghihintay sa mga dadalo sa MassKara Festival 2026 sa Bacolod City mula Oktubre 16 hanggang 18.

Maaaring makakuha ng mga offer ang mga mamimiling gagamit ng GCash sa mga participating merchant, habang magkakaroon din ng mga aktibidad at sorpresa sa mga pangunahing lugar ng festival.

Kabilang sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad ang Lacson Street at Public Plaza, kung saan nakatakdang isagawa ang mga programa mula alas-3 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi.

Bahagi rin ng mga aktibidad ang MassKara Crawl, na maghihikayat sa mga festival-goer na puntahan ang mga kalahok na negosyo at samantalahin ang kanilang mga promo.

Ayon kay GCash Vice President at Head of Regional Business Unit Maria Tania Padilla, ang MassKara Festival ay matagal nang nakaugnay sa makulay na gawain ng komunidad at ang festival experience ay hinuhulma ng mamamayan ng lungsod pati na ng mga negosyo nito.

“Tiniyak naming na may GCash para sa kasagsagan ng Masskara Festival sa Bacolod para mapadali ang digital payments sa mga merchant, gayundin ang mga special offers. Gusto naming maging convenient at masaya ang experience ng mga turista at residente,” sabi ni Padilla.

Maaari ring tingnan ng mga bisita ang festival itinerary upang malaman ang mga nakatakdang aktibidad at available na offers sa iba’t ibang lugar. Para sa mga nais makakuha ng freebies at makilahok sa mga aktibidad, maaaring sundan ang mga sumusunod:

  • Bacolod-Silay Airport at BREDCO Port: Mag-download at mag-register sa GCash app, saka bumili ng load upang makakuha ng freebies.
  • Masskanameats at Merkado Lacson: Bisitahin ang mga MassKara bazaar para sa mga libreng item.
  • Lacson Street at Public Plaza: Makilahok sa MassKara Crawl at tingnan ang mga promo ng participating merchant.
  • Megaworld: Bisitahin ang GCash booth para sa iba pang aktibidad ng festival.
  • 888 Chinatown Square: Dito maaaring kumuha ng GCash Visa Card.

Bukod sa mga offers para sa mga mamimili, nagbibigay rin ang festival ng pagkakataon sa mga lokal na negosyo na maabot ang mas maraming customer sa isa sa mga pinakabinibisitang pagdiriwang sa Bacolod.

Inaasahang dadagsa sa lungsod ang mga residente at turista para sa taunang MassKara Festival, na tampok ang mga parada, pagtatanghal, at iba pang aktibidad na bahagi na ng kultura at pagkakakilanlan ng Bacolod.

###