28.2 C
Cagayan de Oro
Tuesday, September 27, 2022
spot_img
HomeThe RegionBARMMSTATEMENT ON THE AMBUSH OF MAGUINDANAO POLICEMEN SERVING AN ARREST WARRANT IN...

STATEMENT ON THE AMBUSH OF MAGUINDANAO POLICEMEN SERVING AN ARREST WARRANT IN AMPATUAN TOWN

We condemn in the strongest terms the killing of two policemen and the wounding of three others during an ambush of a team of law enforcers serving an arrest warrant on Tuesday in Ampatuan town in Maguindanao.

Kasama sa nasawi ang hepe ng pulis ng Ampatuan na si Police Lt. Reynaldo Samson at ang isa niyang kasamahan na si Police Cpl. Salipudin Endab sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Labis nating ikinalulungkot ang pangyayaring ito kung saan ang mga nasawi ay miyembro ng ating kapulisan na siyang nagpapatupad ng batas, nagtataguyod ng ating seguridad at nagtatanggol sa ating mamamayan.

Ayon sa mga ulat, inambush sila habang papunta sa Barangay Kapinpilan. Ang una kong tanong: may breakdown ba ng peace and order sa lugar? Bakit alam ang ruta at oras ng pagpunta ng mga pulis?

Ang panawagan ko sa PNP, siyasating mabuti ang insidenteng ito. Papanagutin hindi lamang ang mga aktuwal na gunmen, kundi ang utak sa likod ng pagpatay, kasama na ang mga nakakaalam sa mangyayaring krimen.

At ang apela naman natin sa ating mga komunidad, proteksyunan din natin ang ating mga kapulisan dahil sila ay essential sa pagpapanatili ng peace and order sa ating mga lugar. Tulungan natin ang mga nag-iimbistiga ng pagpatay na ito para mahuli ang ang mga salarin.

Huwag sana maulit ang pangyayaring ito dahil para nating binabala ang ating mga pulis sa panganib.

Nakikiramay kami sa mga naiwan ng mga nasawi at sa mga sugatan sa pamamaril, dalangin namin ay ang inyong agarang paggaling.

###

RELATED ARTICLES
- Advertisment -spot_imgspot_img

Most Popular

Recent Comments