IMEE: VAT SA OIL PRODUCTS, SUSPENDIHIN MUNA SA GITNA NG PANDEMYA

NATION
July 16, 2021

SHARE

Isinusulong ni Senadora Imee R. Marcos, chairperson ng Senate committee on Economic Affairs, na dapat suspendihin muna ng isang taon ang ipinapataw na Value Added Tax (VAT) sa oil products sa gitna ng nararanasang krisis dulot ng Covid-19 pandemic sa bansa.

Nitong Martes, nagpatupad na naman ang oil companies ng price hike na umabot sa P1.15/liter sa gasoline, P.60/liter sa diesel at P.65/liter sa kerosene.

Mula Enero 2021, sinabi ni Marcos na pumalo na sa P13 per liter ang itinaas ng gasolina; P10/liter sa diesel at P9/ liter sa kerosene.

"May domino effect ang oil price hike sa mga produktong agrikultura at iba pang essentials. Ipapasa lang ang dagdag na presyo ng langis sa mga consumer na kawawa na nga, walang trabaho, tumataas pa ang halaga ng pagkain, kuryente at mga bilihin," pahayag pa ni Marcos.

Kung pansamantalang masuspindi ang 12% VAT sa langis, sinabi ni Marcos na malaking ginhawa ito sa mga motorista at mga konsyumer.

Nagpatupad ang pamahalaan ng dagdag na 12% VAT sa fuel products bukod pa ito sa excise tax na ipinataw sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Noong December 2017, nilagdaan ni Pang.Duterte ang batas na nagpapataw ng excise tax sa diesel sa halagang P2.50/liter at P7.00/ liter sa gasoline.

 


RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

LATEST NEWS

Subscribe Now!

Receive email updates from Mindanao Daily News.