26.1 C
Cagayan de Oro
Thursday, October 10, 2024
spot_img
HomeAdvertisementsNagbalik-loob na CTG member sa Sarangani, i-prenesenta kay Gov. Pacquiao

Nagbalik-loob na CTG member sa Sarangani, i-prenesenta kay Gov. Pacquiao

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – I-prenesenta ni Major General Alex Rillera, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central ang nagbalik-loob na Communist Terrorist Group (CTG) member kay Sarangani Province Governor Rogelio Pacquiao nitong February 8, 2023.

Si alyas Jurib na taga General Santos City ay nagpasyang sumuko dala ang isang Cal .30 Sniper Rifle na may sampung bala. Siya ay isang dating Vice Commanding Officer (VCO) ng Platoon 2 ng GF 75, FSMR. Sumuko ito sa Purok Bayan, Barangay Maribulan, Alabel, Sarangani Province.

Nabigyan naman ng paunang financial assistance ang dating CTG member mula sa Provincial Government ng Sarangani bilang tulong para sa pagkakaroon nito ng pagmumulan ng pangkabuhayan.

Pinuri naman ni Maj. Gen. Rillera ang TF Gensan sa kanilang pagsisikap sa mapayapang pagsuko ng dating CTG member.

Gayun din ang pamahalaang panlalawigan ng Sarangani sa pagtanggap nila kay alyas Jurib at makapamuhay ito ng normal sa lipunan.

“Hindi rin natin isinasantabi ang malaking papel na ginagampanan ng mga local government units para maituwid ang tatahaking landas nitong mga nabiktima ng panlilinlang at maling ideolohiya ng CTG”, pahayag ni Maj. Gen. Rillera.

Kasama rin sina TF Gensan Commander Col. Galileo Goyena at 1st Mechanized Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Pedro Balisi Jr sa ginawang presentasyon.

####

RELATED ARTICLES
Advertismentspot_img

Most Popular

Recent Comments