23.8 C
Cagayan de Oro
Saturday, March 25, 2023
spot_img
HomeThe RegionBARMMMga katutubo sa Sultan Kudarat, ramdam ang serbisyo ng gobyerno

Mga katutubo sa Sultan Kudarat, ramdam ang serbisyo ng gobyerno

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao – Lubos ang pasasalamat ng mga indigenous people sa mga natanggap nilang benepisyo buhat sa isinagawang medical at dental outreach program ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan at pribadong sektor sa magkakahiwalay na barangay sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat.

“Mas ramdam namin ngayon ang serbisyo na ibinibigay ng gobyerno sa amin, kahit malayo ang aming lugar ay tinungo pa rin nila para maihatid ang serbisyong ito sa aming mga katutubo”, wika ng isa sa mga pinuno ng tribung Manobo-Dulangan.

Nasa 589 katao ang nakabenepisyo ng nabanggit na programa karamihan mga lumad at mga hikahos sa buhay sa inihandog na outreach program kagaya ng medical check-up, dental services, circumcision, libreng gupit at maraming iba pa. Ito ay isinagawa sa magkahiwalay na lugar ng Sitio Maat, Brgy. Sangay at Sitio Alaska, Brgy. Sabanal lahat sa bayan ng Kalamansig nito lamang Agosto 2-3, 2022.

“Nagpapasalamat po ako sa natanggap ko na bitamina at gamot, naipa-check up ko na rin po ang aking nanay sa programang ito. Maraming salamat sa LGU Kalamansig at sa Assembly of God Church Medical Team sa hakbang na ito” hindi matapos-tapos na pasasalamat ng isa sa mga benepisyaryo ng programa.

“Ang programang ito ay ating pagtalima sa tungkulin ng pamahalaan na tingnan at alamin ang kalagayan ng mga nasa laylayan ng lipunan at bigyan sila ng angkop ng serbisyo kagaya ng pangkalusugan” pahayag ni Hon. Joaquin Concha, ang alkalde ng bayan.

“Katuwang din natin sa paghahatid ng outreach program na ito ang ating mga kasundaluhan mula sa 37IB at mga tropa ng 603rd Brigade na pinamumunuan ni Colonel Michael Santos, ang kanilang Commander sir, maraming salamat sa tulong ninyo, hindi lamang sa seguridad kundi kaagapay namin kayo sa mga kahalintulad na gawain”, dagdag pa ng punong ehekutibo.

Iginiit naman ni Colonel Michael A Santos, Commander ng 603rd Brigade na sa sama-samang pagharap sa suliraning panlipunan ay matutugunan ang kahirapan sa buhay. “Angkop ang ating tema para sa aktibidad na ito na ‘Hawak Kamay tayong Kalamansigueños para sa patuloy na kapayapaan at Pag-asenso ng ating Bayang pinagpala”, wika ni Col. Santos.

“Gone are the days na ang inyong mga kawal ay nasa giyera, tayo ngayon ay nasa laban na – laban, katuwang ang ahensya ng pamahalaan sa pagpuksa ng kahirapan. Tinitiyak ko sa inyo na ang inyong kasundaluhan ay laging nakahanda at katuwang ninyo sa paglilingkod sa ating mga mamamayan”, pahayag naman ni Major General Roy M Galido, ang Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central.

####

RELATED ARTICLES
- Advertisment -spot_imgspot_img

Most Popular

Recent Comments