20.5 C
Cagayan de Oro
Wednesday, February 8, 2023
spot_img
HomeAdvertisementsJTFC Kinondena ang pamamaslang sa 3 mga CAA sa Maguindanao del Norte

JTFC Kinondena ang pamamaslang sa 3 mga CAA sa Maguindanao del Norte

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Mariing kinondena ng pamunuan ng Joint Task Force Central ang pamamaril sa mga kasapi ng civilian active auxiliary (CAA) sa Sitio Simway, Edcor, Buldon, Maguindanao del Norte, ala-1:00 ng madaling araw kanina.

Ayon kay Major General Roy M Galido, ang Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division na hindi makatarungan ang pagpaslang sa mga miyembro ng CAA na nagbabantay lamang ng inaayos na tulay.

“This inhumane act of the killing and wounding of our personnel must be condemned to the full extent. JTF Central calls on the populace to remain vigilant of the atrocities of these culprits behind the attack on our personnel hence, this shooting incident deliberately violates the right to life and cannot be justified under any ideology or circumstance”, pahayag pa ni Maj. Gen. Galido.

Sa ulat na nakarating kay Colonel Eric A Macaambac, ang Commander ng 1st Marine Brigade nagbabantay sa inaayos na tulay na nasira dahil sa pananalasa ng ‘Tropical Storm Paeng’ ang mga miyembro ng mga CAA ng sila ay pagbabarilin ng mga armadong suspek.

Kinilala ang mga nasawi na sina CAA Christian Silvestre; CAA Ignacio Lozada; at CAA Dondon Ahito habang sugatan naman sina CAA Arnel Cayanan at CAA Calbertson Baggay. Kinuha din ng mga suspek ang apat na M14 rifle ng mga biktima.

Kaugnay nito, inatasan na ni Maj. Gen. Galido ang mga tauhan nito na tugisin ang mga responsable sa nasabing krimen.

“We will ensure that justice for the victims will be served,” ani pa ng Division Commander.

####

RELATED ARTICLES
- Advertisment -spot_imgspot_img

Most Popular

Recent Comments