28.8 C
Cagayan de Oro
Wednesday, October 4, 2023
spot_img
HomeBusinessDOLE tutulong sa pagpapalakas ng trabaho sa turismo

DOLE tutulong sa pagpapalakas ng trabaho sa turismo

Makikipagtulungan ang Department of Labor and Employment sa Department of Tourism (DOT) para palakasin ang trabaho sa hospitality industry.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na napag-alaman ng DOT mula sa pahayag ng mga stakeholder ng turismo, sa pangunguna ng mga hotel establishment, ang kakulangan sa mga manggagawa sa industriya.

Ayon kay Laguesma, kasama sa pakikipagtulungan ang pagdaraos ng mga job fair sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pakikipag-ugnayan sa mga regional offices ng DOLE at DOT at mga lokal na pamahalaan.

“Ito ay isang serye ng mga job fair na gaganapin sa iba’t ibang lungsod at lalawigan, kung saan ang unang pagtutuunan ay ang ang Metro Manila, Cebu at Davao,” wika ni Laguesma.

Sinabi ng Kalihim na maglalabas sila ng memorandum of understanding (MOU) para gawing pormal ang pagtutulungan ng dalawang ahensiya sa pagdaros ng job fair.

“Ang aming gagawin ay naglalayong suportahan ang programang pang ekonomiya ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang plataporma para sa mga naghahanap ng trabaho at oportunidad sa iba’t ibang sektor ng turismo at mga kaalyadong serbisyo,” pahayag ni Laguesma.

“Sa pamamagitan ng mga job fair, matutulungan natin ang mga establisimyento na makahanap ng mga pinakamahusay na kandidato para sa kanilang mga bakanteng posisyon upang madugtungan natin ang mga kakulangan sa industriya,” dagdag niya.

Ang proyekto na tinaguriang ‘Trabaho Turismo Asenso’ ay nakatakdang ilunsad sa Setyembre 22-24, ani Laguesma.

Sinabi ni Laguesma na ngayon palang ay nakikipag-ugnayan na ang DOLE sa Philippine Hotel Owners Association (PHOA) para sa mga partikular na uri ng trabahong kailangan at ang bilang ng mga bakanteng trabaho sa sektor.

Sa kanilang mga ‘listening tour’, napag-alaman ng DOT na nangangailangan ng mas maraming manggagawa ang mga establisimyento sa industriya ng turismo.

###

RELATED ARTICLES
- Advertisment -spot_imgspot_img

Most Popular

Recent Comments