23.8 C
Cagayan de Oro
Thursday, July 7, 2022
spot_img
HomeFeatureBAJAJ THREE-WHEELER HUMATAW SA ENDURANCE RIDE

BAJAJ THREE-WHEELER HUMATAW SA ENDURANCE RIDE

Kung kaya ng dalawang gulong, mas kaya ng tatlong gulong!

Kamakailan lang, humataw muli ang Bajaj Three-wheelers sa tarik ng ahunan sa North Luzon Loop nang sumali ito sa “Dos Por Dos” 1,200km Endurance Ride na inorganisa ng Equity Machineries, Inc. – isa sa mga Authorized dealer ng Bajaj nitong ika-2 ng Abril. Maulang Sabado ng madaling araw nang magsimulang bumiyahe ang mga riders sa Echague, Isabela kabilang ang kumpletong line up ng Bajaj three-wheelers na hindi nagpatinag kahit madilim ang daan dahil may twin headlights nito. Umarangkada ang apat na Bajaj three-wheelers sa mga daan ng Sagada, Mountain Province na hindi tumirik sa humigit kumulang 30 oras na tuloy-tuloy na biyahe sa matarik at makipot na bulubundukin ng Quirino Skyline.

May mga two-wheelers na hindi nakapagpatuloy o nahihinto sa kalagitnaan ng loop dahil sa panaka-nakang pag-ulan, mga nasiraan ng gulong, at iba pa, pero walang dudang tinapos ang nasabing ride ng paboritong three-wheeler ng Pinas – Bajaj.

Muli, tinanghal na Endurance Ride Finishers ang Bajaj ng matapos nito ang ruta sa ilalim ng 36 oras kaya No.1 Three-wheeler talaga! Matatandaang hindi ito ang pinakamahaba at matagal na endurance ride ng Bajaj three-wheelers. 2018 noon nang tinahak nito ang Philippine loop sa loob ng 25 araw ang 5,324 km. Para sa sakay at biyahe na kasama ang Bajaj, bumisita sa https://www.bajaj.com.ph/.

Joel Escolhttps://www.youtube.com/channel/UCK_sKdGFs0ewIh9R-iAskDg
Joel Calamba Escol is a journalist in the Philippines for more than 20 years. Currently, he is the Managing Editor of Mindanao Daily News, the biggest and most-widely read newspaper in Southern Philippines. He is also known as Noypi Vlogger in Youtube. You can follow him on the following social networking sites below.
RELATED ARTICLES
- Advertisment -spot_imgspot_img

Most Popular

Recent Comments