23.8 C
Cagayan de Oro
Wednesday, June 29, 2022
spot_img
HomeThe RegionNorthern Mindanao66 na mga dating rebelde sa Bukidnon sumailalim sa "Mushroom Production at...

66 na mga dating rebelde sa Bukidnon sumailalim sa “Mushroom Production at Dishwashing Liquid Making” Training ng DTI

MALAYBALAY CITY, Set. 28 (PIA) –Sixty-six o animnapu’t anim na mga dating rebelde mula sa Southern Bukidnon ang sumailalim sa dalawang araw na Training sa “Mushroom Production” at “Dishwashing Liquid Making” na isinagawa ng Department of Trade and Industry noong Setyembre 22-23 sa loob ng kampo ng 88th Infantry Battalion, Philippine Army sa Maramag, Bukidnon.

Sa unang araw ng pagsasanay, limampu sa mga dating rebelde ang tinuro-an  tungkol sa  “Mushroom Production” at labing-anim naman sa kanila ang nagsanay sa “Dishwashing Liquid Making” sa pangalawang araw.

Ang proyektong ito ay pinunduhan ng DTI sa pamamagitan ng programang “Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa,” isang pangkabuhayan at ‘entrepreneurship na programa ng kagawaran alinsunod sa Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte para tapusin ang Local Communist Armed Conflict o ELCAC upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.

Nilinaw ni DTI Bukidnon provincial director Eriberto Taban-ud Jr. sa kanyang talumpati na ang gobyerno ay naglaan ng P300,000 para sa Mushroom Production Training at P100,000 naman ang inilaan para sa training tungkol sa paggawa ng sabong Dishwashing Liquid.

“Gilauman sa ahensya sa DTI nga ila gyung gamiton ang ilang natun-an ani nga training. Unta, maningkamot gyud sila nga maka-income kay mao man ang atong tuyo nga maka generate ta’g income ug alang pud sa ilang panginabuhi-an.”

Ayon kay DTI Business Development  Division chief Junar Merla, ang proyektong ito para sa mga Former Rebels ay makakatulong sa mga dating rebelde upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ayon kay Merla ng DTI, mas pinili nila ang “Mushroom production at dishwashing liquid” Training para sa mga dating rebelde dahil hindi masyadong malaki ang perang kailangan para sa kapital  at mas madali itong matutunan. 

“Nakita nato nga ang mushroom production nga project dali ra siya ug gamay ra pud ug kapital requirements. Ang Dishwashing Liquid pud dili lisod i-tudlo kay nasayod man ta nga kung lisod atong i-tudlo sa ilaha basin dugay nila makuha”

Siniguro naman ni Lieutenant Colonel Franklin Fabic, Commander ng 88th Infantry Battalion, na merong mag momonitor sa mga “former rebels” upang matiyak na maibahagi rin nila sa komunidad ang kanilang natutunan

“Tinitiyak namin na patuloy naming subaybayan ang pag-usad ng proyektong ito. Sinisiguro din namin na ang kanilang mga hina-ing ay makakarating sa Barangay Task Force ELCAC sa pamamagitan nga mga Kapitan ng Barangay.

Hinihimok ng DTI ang mga dating rebelde na magnegosyo dahil ayon kay DTI provincial director Taban-ud na sa negosyo raw, palaging maraming pagkakataon na magtagumpay kung ito ay mapangasiwaan nang husto. Ayon kay Taban-ud na sa pamamagitan ng Whole-of-Nation Approach, laging handa ang gobyerno na tulungan ang mga dating rebelde. Aniya, hindi lamang DTI ang nagbibigay tulong, kundi ang lahat ng mga sangay ng ahensya sa gobyerno. (PIA Bukidnon)

RELATED ARTICLES
- Advertisment -spot_imgspot_img

Most Popular

Recent Comments