30.8 C
Cagayan de Oro
Thursday, March 28, 2024
spot_img
HomeAdvertisements455 Families receives food packs from DSWD for Ramadan

455 Families receives food packs from DSWD for Ramadan

BY ASANGAN T. MADALE

Tinanggap ng 455 families sa Sagonsongan transitory shelters dito sa Lungsod ng Marawi ang dalawampu’t limang kilo ng bigas, family food packs na naglalaman ng iba’t ibang canned goods at mga pangunahing pangangailangan kagaya ng asukal, kape, at iba pa bilang bahagi ng Ramadhan Assistance mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng Lanao del Sur.

Maliban rito ay naghatid rin sila ng leksyon hinggil sa water, sanitation & hygiene kung kaya nakatanggap rin sila ng hygiene kits at Aquatabs para matiyak na ligtas ang kanilang inuming tubig.

Ayon kay MSSD Provincial Director Yasmira N. Pangadapun, nolalayon ng nasabing programa na ipaabot ang tulong sa mga pamilyang apektado ng Marawi Siege 2017 lalo na ngayong Buwan ng Pag-aayuno. Ang mga nakatira sa nasabing transitory shelter ay mula sa 24 barangays na lubhang naapektohan dulot ng nasabing giyera.

Dahil na rin sa pagdami ng populasyon sa nasabing barangay ay nahati ito matapos paboran ng mga botante sa isinagawang plebisito kamakailan lamang kung kaya nabuo ng Brgy. Datu Dalidigan mula sa Brgy. Sagonsongan.

####

RELATED ARTICLES
Advertismentspot_img

Most Popular

Recent Comments