Speech of President Rodrigo Duterte during the CLOA distribution in Cotabato (first part)

THE REGION
December 24, 2019

SHARE

Kindly sit down. Salamat po.

 

Agrarian Reform Secretary John Castriciones; the other members of the Cabinet; Senator Bong Go, ang tinulungan ninyo [applause]. Tao ninyo ito maniwala kayo. Ako na ang nagsasabi. He is serving the interest of the Moro people. Matagal siya sa akin. BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim; beneficiaries of the Agrarian Reform Land Ownership Program; my brothers and sisters from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao; mga kababayan ko; mga mahal kong kababayan na Moro. [applause]
 

Alam mo may prepared speech ako. It’s only two pages pero babasahin ko kung may panahon pa tayo. ‘Pag nandito pa ako hanggang alas-siyete nakatindig, babasahin ko na ito.

 

Iyong may gusto akong sabihin sa inyo. Alam ninyo na hindi ako nagbobola ng tao lalo na ang kapwa Moro. Kung ayaw ninyong maniwala, kayo. It’s fine with me. But ganito ‘yan sinabi ko kay Kagi Murad na, “Alam mo I have two years left and I want the BARMM to really evolve into something that is a functional regional autonomous government.” Ngayon na.

 

Sabi ko kay brother na ‘pag… Wala naman akong sinabi na ako lang ang marunong, ako lang ang ano. But we do not have an idea --- the imponderables of life kung sino ang susunod sa akin.

 

Tutal napag-usapan na rin ‘yan nang matagal, nakipagpatayan kayo sa gobyerno. Alam mo sa totoo lang after the war and the loss of lives and everything, at the end of the day maghawak ka ng baril, it has no meaning at all. Kung ilan ang napatay mo o ilan ang natakot mo o ilan ang pinasabog  na mukha. Hawakan mo ‘yan pagkatapos sasabihin at the end of the day, anong maibigay nito? Ang maibigay ng baril, baril rin. Walang katapusan na. Ang Moro nagtitiis.

 

Pagdating ng mga Espanyol, iyon ang perdition ninyo. Walang… Ang mga kapatid man ninyo walang kasalanan ‘yan. Iyong mga Tagalog na… Eh binola tayo ng Amerikano eh. “Go to Mindanao because it is the land of promise,” kasi ang Moro ayaw makipagtrabaho sa kanila.

 

It was a… Alam mo maraming mahirap noon pa. Ang tatay ko nagpunta dito kasi --- ano abugado siya pero alam niya walang mangyari sa buhay niya doon. So pumunta siya ng Mindanao dinala niya kami. Hindi naman namin alam kung ano ang history na inagaw tayo ng… Well, sinabi lang… Iyang who discovered the Philippines. T***… Anong discover? Nandito na tayo. They occupied this land for 350 years more. So ginawa tayong alipin. Wala tayong magawa, wala tayong baril, wala tayong gunpowder. Pagputok niyan, takbo lahat. Maski na gaano katapang na Moro kung hawak mo lang ang iyong sundang, ah patay.

 

That is why ang history natin is full of repression. Ang Christianity was imposed on the Visayan, the tribe, the Hiligaynon. Ang Bisaya, ang Cebu is Sugbuanon ang tribe nila. Iyon ang pangalan nila. Hindi ‘yon Cebu. It’s Sugbu. At ang mga tao doon Sugbuanon. Kaya lahat tayo and it was a --- at a cause.

 

Noon ‘pag ayaw mong mag-convert, firing squad ka talaga. If you do not swear allegiance to Jesus Christ or God, patay ka. Anong magagawa ng kapatid natin? Anong magawa namin noon? Ang mga ninuno ko, ang mga lolo ko, anong magawa niya? Puro naman tayo Malay, Indonesia, we come from a same stock.

 

Ngayon, this continued until today. Alam mo may sabihin ako sa inyo ha. Iraq was invaded by America on an excuse or pretext that there weapons of mass destruction. Pumunta sila doon at pinatay nila si Saddam. Walang weapons of mass destruction. Kaya lang ‘yung mga sundalo noon na tumakbo, natakot sa bomba, walang laban eh. Nag-grupo-grupo ‘yan, kaya ‘yang ISIS, Iraq pati Syria. Iyan ‘yang mga sundalo na bata at pumasok na lahat, at galit sila.

 

Pero nandiyan na kasi itong mga Amerikano dinadala nila sa eleksyon. You will not begrudge me because I am one. Ang Muslim is a feudal setup. Kaya kung magtawag ka ng eleksyon doon, magulo talaga. Iyang eleksyon is a sham. Puppet ‘yan ng mga lider nila ng Amerika. And it has not brought peace.

 

Tignan mo ang Iraq ngayon, then Syria and Afghan. Binobomba ‘yung… Alam mo sa totoo lang when you are already evolved into something which is really a regional at meron kayong sariling armed forces or police, payag ako. Mag-armas kayo but you know you have to kill the terrorists. Hindi madala ‘yan sa pausapan. Mag-llamano lang kayo ‘pag magsabi “brother peace, salaam.”

 

Hindi ‘yan naniniwala because they have interpreted itong Qur’an in a very atrocious, monstrous interpretation na magpatay ka ng tao. ‘Pag magpatay ka ng tao maski dito o sa Iraq, o Syria, Libya, ubos, puro dysfunctional talaga.

 

Now, if we are not careful, we should avoid --- the BARMM government should assert its authority at kung ayaw nila patayin ninyo because those were --- they are the guys that will create trouble in the future. Wala nang katapusan. Pareho na tayo ng Syria. At baka hindi ako ang Presidente magkalat. ‘Pag kalat niyan, bomba dito, bomba doon. Eh ‘yung mga terorista bomba dito. Eh kung matapos ‘yung pasensiya ng national government? Eh kung gamitin ‘yang ilang jet ‘yan diyan na FA-50? Tapos bombahan dito, bombahan doon. You think that the tribe of Maguindanao will survive?

 

-more-

 

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Subscribe Now!

Receive email updates from Mindanao Daily News.