RIYADH OFWS GREET PRESIDENT DUTERTE MERRY CHRISTMAS

THE REGION
December 25, 2019

SHARE

About a million Filipinos are in Saudi Arabia who have become an important of part of the Kingdom’s socio-economic development for decades.

 

With that number, Saudi Arabia becomes one of the countries in the Gulf region to host the largest number of Filipino diaspora.

 

Here are the greetings of OFWs in Saudi Arabia, extending their warmest Yuletide message to the President and their wishes for themselves and the country:

 

“Ang wish ko po sa sarili ko at sa pamilya ko ay sana makasama ko na ang pamilya ko sa Pilipinas at sana para sa aming mga OFW ay magkaroon kami ng kabuhayan pag-uwi namin sa Pilipinas. Alam ko po na hindi papabayaan ni Tatay Digong at Senator Bong Go ang ating bansa. Merry Christmas po!

 

Oscar Ramos Caduyac, Davao City

Crew, Jollibee Riyadh

 

 

“Mula po sa Riyadh, KSA, binabati po namin si Tatay Digong ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon. Tatay Digong, ipagpatuloy n’yo po ang inyong magandang ginagawa para sa ating bansa. Kami po dito sa Riyadh, Saudi Arabia ay sumusuporta sa inyong administrasyon.

 

“Binabati ko rin po ang aking nanay, tatay sa Bicol. Ang aking mga kapatid at ang aking dalawang anak ng isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon. Sana next year ay magkasama-sama tayo sa Pilipinas.”

 

Boogie Salcedo Moya

Restaurant manager, Jollibee, Riyadh

 

 

“Nagpapasalamat po ako kay Pangulong Duterte at sa lahat po ng bumubuo sa embassy. Maraming maraming salamat po. Merry Christmas and Happy New Year!”

 

-Mary Jane Cartia, Bulacan,

Female ward, Lotuston Hotel, Riyadh

 

 

“Ang Christmas wish ko po para sa akin sarili at sa pamilya at para sa aking sarili ay makauwi na ako sa Pilipinas upang makapiling ko ang aking pamilya. Para po sa ating Pangulo, sana magkaroon siya ng magandang kalusugan at malinaw na kaisipan para magabayan n’ya nang maayos ang ating bansa. Wish ko rin po na sana ay bumuti na ang kalagayan sa Pilipinas upang hindi na po mangibang-bansa ang mga Pilipino at magtrabaho na lamang sa sariling bayan kapiling ang kanilang mga pamilya. Maraming salamat po!”

 

Elizabeth Paulino, 27 years old, Nueva Viscaya

Awaiting repatriation in Bahay-Kalinga, Riyadh, Saudi Arabia

 

 

“Sa panahon pong ito ng Kapaskuhan ang hiling ko po, kagaya ng maraming naririto ay makauwi na po ako sa aking pamilya sa Davao City at makapagpagamot po ako ng aking sakit sa kidney. Para po kay Tatay Digong, hiling ko na maging malusog siya sa darating na taon para magampanan niya ang kanyang mga tungkulin bilang Pangulo. Merry Christmas and Happy New Year!”

 

Jennifer Gabaitan, Davao City

Female ward, Bahay-Kalinga, Riyadh, Saudi Arabia. PND


RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Subscribe Now!

Receive email updates from Mindanao Daily News.