REFLECTIONS: Sana...

THE REGION
By Malou Tiangco
November 3, 2019

SHARE

 Tumigil muna and ilan sa paulit ulit na bangayan, pagbantay sa mga statements na me political colors, mali, mababaw, nangungutya, o nanghuhusga ...

Sa gitna ng mga unos, na hinaharap ng ating bayan, sa mga pighati at dalamhati impit ng mga me pinagdadaanan dahil sila ang mga direktong napinsalaan, namatayan, manahimik naman tayo sandali at igalang natin ang lagim na bumabalot sa buhay nila ngayon.

Sana pigilan muna natin ang panghuhusga , paulit ulit na panghihikayat na magbigay ng maitutulong, isa... dalawang beses na panawagan, OK no, pero paulit ulit, medyo nakakabasag na ng trip.

If we want to do good for the survivors of the series of earthquakes, fine, do it silently, do not over promote, it stirs suspicions. lf you have that pure intention of helping, do it , within your means... not obliging others to be as "engaged or committed" as you!

Sana rin, bawasan natin and pag announce ng mga detalya nating naramdaman sa lindol, our narration of fears may promote fears.

Baka mas ok na positive thoughts and feelings muna and ating i-share... Pwede natin ipromote ang PEACE ENERGIES

Bawasan natin ang self promotion..

Pwede... SANA...

Taimtim, magdasal tayo...sa kapakanan at kaligtasan ng bawat isa. ..


RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Subscribe Now!

Receive email updates from Mindanao Daily News.